Career ng 2 alaga ni Lito de Guzman ipauubaya na sa Viva

Lito de Guzman John Mark Marcia Mauro Salas

I-FLEX
ni Jun Nardo

IPINAUUBAYA na raw sa Viva ng VMX actors na sina John Mark Marcia at Mauro Salas ang kanilang career dahil sa kontrobersiyang kinasangkutan umano ng manager nilang si Lito de Guzman.

Nasa cast ng VMX movie sina John Mark at Mauro na Haplos ni Milagros na streaming sa VMX sa August 14.

Nakagawa na si John Mark ng VMX movies habang unang sabak naman ito ni Mauro.

Bukod sa dalawang lalaki, may mga ibang lalaki at babaeng  stars si Lito na under his management.