MA at PA
ni Rommel Placente
DEADMA lang si Bianca Umali sa ginawang pag-amin ng boyfriend niyang si Ruru Madrid na minsan itong nangaliwa sa kanilang relasyon.
Tila chill lang si Bianca at nag-enjoy pa sa isang road trip kasama si Ruru.
Sa halip na magsalita tungkol sa viral confession ni Ruru, isang masayang bonding moment nila ang ipinangalandakan ni Bianca sa Instagram kamakailan.
Sa mga kuhang ipinost ng aktres, makikitang masayang nagja-jamming at nagtatawanan ang magkasintahan habang bumibyahe.
“Sponty road trips are the best with the bestie!” caption ni Bianca sa kanyang post.
Tila ipinakikita ng naturang post na hindi nagpapaapekto ang aktres sa kaliwa’t kanang komento ng netizens tungkol sa pag-amin ni Ruru.
