Angel Castro pinaratangang maldita, pa-diva
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
NINENERBIYOS at excited si Angel Castro sa taguring ibinigay sa kanya, ang pagiging VMX Premium Crush.
Ani Angel sa presscon ng pinagbibidahan niyang pelikula, ang CreamPie kasama sina Christy Imperial, Vince Rillon, Margareth Sison, Mark Dionisio na idinirehe ni Rodante Y. Pajemna Jr. at kasalukuyan nang napapanood sa VMX simula pa noong July 31, “I feel honored kapag tinatawag akong VMX Premium Crush. Siyempre I have to devote sa title na ibinigay sa akin. Medyo nervous but I’m excited to see what the future hold.”
Nilinaw naman ni Angel ang isyung ibinabato sa kanya ng mga netizen, may attitude, diva, at kung ano-ano pa.
Sinabi ni Angel na may problema siya sa mata kaya hirap siyang makipag-eye contact.
“Kasi po people think that I have a bad attitude based on the clips from the previous presscon.
“In-explain ko naman po na I couldn’t look ’coz I have eye issues.”
Ang tinutukoy ni Angel ay ang pagkakaroon niya ng problema sa mata. Ito iyong muntik na siyang mabulag dahil sa komplikasyon sa eye lash extension. Nagkaroon siya ng corneal abrasion.
Ipinaliwanag noon ni Angel na hindi naging maganda ang pagkakakabit ng eyelash extension dahil plastic pala iyon at ang ginamit ay bonding glue sa pagdidikit.
“Ang dami pong nam-bash sa akin, ‘Kabago-bago, attitude!’
“Hindi nila nakita ‘yung explanation ko. Nagmukha po akong maldita talaga.
“Hindi ko po talagang gusto magmukhang diva o attitude, sadyang hindi lang po ako makatingin talaga,” giit pa ni Angel.
Sa kabilang banda, pinaghahandaan na ni Angel ang pagpapa-check up ng kanyang mata. Nagpapababa lamang siya ng uric acid na required para maayos ang problema sa kanyang maga.
“Ang lakas maka-tanders, ‘yung uric pero totoo po,” nangingiting tugon pa nito.
Sobra-sobra naman ang pasasalamat ni Angel sa Viva dahil ramdam na ramdam niya ang pagmamahal sa rami ng pelikulang ginagawa niya.
“I feel more welcome rito sa Viva, nothing against my former (manager). Ang dami ko pang project, sobrang thankful talaga ako na hindi ako pinabayaan ng Viva,” sabi pa ng dalaga.
“Very excited din ako rito sa ‘Creampie’ dahil iyong mga natutunan ko rito nai-aplay ko sa iba kong pelikulang ginagawa,” dagdag pa ni Angel.
Samantala, line producer at hindi lang artista ang isa pang bida sa CreamPie na si Mark. At ilan sa mga na-line-produce niyang pelikula ay ang Barurot, Sulutan, Sunduan, Kesong Puti, Kikirot-Kirot, Booking at ito ngang CreamPie.
Ani Mark, itinuturing niyang passion ang pagiging line producer dahil gusto niyang maabot ang kanyang mga pangarap at makatulong pa sa mga baguhang artista.
Ang Creampie ay isang provocative original thriller ukol sa tukso, masalimuot na relasyon, at ang emosyonal na kahihinatnan ng mapusok na mga desisyon. Habang lumalakas ang pagnanais at nagiging gusot ang mga damdamin, natutuklasan ng mga karakter ang kanilang sarili na nagna-navigate sa isang mundo ng pagnanasa, mga lihim, at mga pagpipilian na nagbabago sa buhay.
Sa pamamagitan ng matapang na pagkukuwento at nakahihimok na mga pagtatanghal.