SB19 bagong PH Tourism ambassadors
RATED R
ni Rommel Gonzales
WALANG tigil ang pagdating ng blessings sa SB19.
Latest achievement ang pagkakapili sa kanila bilang mga bagong ambassador ng Department of Tourism (DOT).
Mismong DOT, sa pamamagitan ng kanilang Instagram account, ang, nag-post ng welcome nila sa phenomenal group na ayon pa sa pagkaka-describe ng ahensiya ay “five Filipino artists bringing our talent, creativity, and culture to the world.”
Pagpapatuloy pang paglalarawan ng DOT…
“From their homegrown beginnings to global stages, SB19 and A’TIN continue to show just how far Filipino pride can go.
“Now, they’re inviting their global community to come closer to home and experience the Philippines—our culture, cuisine, heritage, destinations, and the unmistakable warmth of Filipino homecoming.”
Nagpasalamat din ang DOT sa P-pop Kings at sa mga tagasuporta ng grupo, ang A’TIN sa pagpapakilala sa Pilipinas sa buong mundo.
“Now, let’s show the world what makes the Philippines worth coming home to,” pagbabahagi pa ng DOT.
At sa mismong Instagram post, ibinahagi ng SB19 ang kanilang tuwa sa mahalagang kaganapang ito sa kanilang grupo.
“Representing the Philippines on and off the stage.”
Ka-level na ng SB19, bilang mga celebrity ambassadors ng DOT, ang Korean stars na sina Kim Myung Soo, Choi Bo Min, Seo In Guk, maging sina Vanessa Hudgens, Michelle Dee.
Isa pang nakabibilib na achievement ng SB19 ay ang paglikha nila ng kasaysayan bilang pinakaunang grupong Filipino na magtatanghal sa Lollapalooza (July 30).
Ngayong August naman ay dadalo sila sa Summer Sonic Festival sa Japan.
Nag-perform din sila sa Grammy Museum para sa Global Spin Live (July 28) at pinamunuan ang ceremonial first pitch sa laro ng Chicago White Sox laban sa New York Yankees (July 29).
May thanksgiving fan meets naman ang SB19 sa US at Japan sa susunod na buwan at October bilang bahagi ng KPOPWORLD Festival sa Texas.