Mama Emma nag-celebrate ng birthday kasama ang fans
MATABIL
ni John Fontanilla
IMBES na magkaroon ng magarbong birthday celebration ay mas pinili ng Barangay LSFM DJ na si Mama Emma o Juanita Baisa (sa totoong buhay) na iselebra ang kanyang 43rd birthday kasama ang kanyang fans.
Ginanap ang birthday celebration sa Shakey’s sa Tomas Morato, Quezon City sa pangunguna ng kanyang Emvasion Angelz sa pangunguna ng kanyang fans club president na si Momster Dyesebel,Vice President Dhay Nhay, Adviser Mommy Letty, at ang mga miyembro na sina Carol, Bhel, Helen, Cecille, Darol, Brenda, Alvina, at Rena Kate.
Dumalo rin ang mga super fans ng Barangay LSFM na sina Edna, Rose, at Carol. Habang naging espesyal na panauhin nito sina Papa Otek Lopez (Talent Manager, Producer & Composer), Richard Hin̈ola with EJ Calucad and Harley, Riza (Little Ark Fouudation), James Tootie Aban (DZBB Anchor), at ang kanyang partner sa programang SongBook every Saturday and Sunday, 6 to 9 am na yours trully John Fontanilla aka Janna Chu Chu.
Nagtapos ang masayang birthday celebration ni Mama Emma sa isang bonggang raffle draw mula sa kanyang sponsors.
At sa darating na Aug. 1 ay tataggap ito ng award sa 7th Philippine Faces of Success bilang mahusay na Female DJ, host, at brand endoser kasama ang kanyang radio program partner na si Janna Chu Chu na gaganapin sa Camelot Hotel.