Direk Christian Paolo Lat gustong bumida sa isang action movie
MATABIL
ni John Fontanilla
GAME na game ang guwapo at hunky director ng Daddy’s Girl na si Christian Paolo Lat na magpa-sexy at gumawa ng VMX film.
And if ever na gagawa siya ay ang lead actress sa Daddy’s Girl na si Astrid Lee ang isa sa gusto niyang makasama among VMX female stars.
Hindi naman na baguhan sa pag-arte si Direk Christian dahil marami na rin siyang nagawang pelikula at nanalo na rin siya ng best actor.
If ever nga mabigyan siya ng pagkakataon na maka-arte ay sa isang action movie ang gusto niyang gawin.
Bukod sa paggawa ng pelikula at pag-arte ay isa ring singer si Direk Christian.
Ang latest project nitong VMX movie na Daddy’s Girl aymapapanood sa Aug. 11 on VMX.