Direk Roman ikinompara si Alecca Adarna kina Amanda Page, Joyce Jimenez

Roman Perez Jr Alecca Adarna Joyce Jimenez Amanda Page Leah Orosa

MATABIL
ni John Fontanilla

IBINAHAGI ng A1 director na si Roman Perez Jr.  ang mga quality ng isa sa lead actress ng pelikulang kanyang idinirehe under VMX, ang Todo Kayod 2 na si Alecca Adarna, kung bakit malaki ang posibilidad nitong sumikat.

Kuwento ni Direk Roman, “Mahilig ako sa mestisa, asawa ko mestisa, and napakagada nito (Alecca).

“Ang mga Pinoy mahilig sa mestisa, kasi ang alam nila ang katabi nila sa bahay, hindi masyadong mestisa… morena.

“Ang katabi ni Mang Roger sa bahay niya ay si aleng tale, hindi niya fantasy  ‘yun! Ang fantasy niya si Alecca. So, napakagandang market ni Alecca for us,” wika ni direk Roman.

Dagdag pa nito, “Lalo na ang Pinoy audience, colonial tayo eh, ‘pag nakakita tayo ng nag-e-English…. Oh imported ‘di ba!?

“Imported siya original lahat, ‘yun ang very important kay Alecca, original lahat.

“Very passionate, original lahat, wala siyang itinatago, wala siyang ginawa at higit sa lahat very beautiful inside and out.

“’Yun ang malaking factor na makakapagpabago sa karera ko na parang first time ulit sa cycle ng VMX na magkaroon ng ganitong kagandang babae na ka-sa-sign lang ng Viva.

“Siguro ang galing talaga ni Boss Vic (Del Rosario) sa pag-hire ng mga artist noh,” sabi pa.

Inihalintulad din nito si Alecca sa mga sumikat na aktres na nagpa-sexy sa Viva tulad nina Joyce Jimenez, Amanda Page, at Leah Orosa.

During the 90’s, during noong 2000 may Joyce Jimenez tayo na nag-e-English, na sopistikada.

“Amanda Page naman noong 2000 din during mga 80’s may Leah Orosa ‘di ba.”

At ngayong 2026 naman ay may Alecca Adarna. “Ito ngayon may Alecca, iba ang branding, blue seal, ganoon ‘yung branding.

“Ganoon ‘yung molde na nakikita natin sa kanya. Kaya sabi ko, she’s a future star, hindi lang sa VMX, puwede talaga siya tumawid, hindi na kailangan ng pera, sabi niya nga marami siyang business.

Pero again, puwede talaga siyang maka-cross, sa ibang mundo, sa ibang pader. ‘Yun ‘yung isa sa malaking advantage niya,” pagmamalaki pa ni direk Roman kay Alecca.

Makakasama ni Alecca sa Todo Kayod 2 si Sahara Bernales at mapapanood na exclusively on VMX.