Gusali sa Raon tinupok ng apoy
UMABOT sa ikalawang alarma ang sunog na sumiklab sa isang gusaling puno ng mga tindahan ng mga electrical supply sa kanto ng Rizal Avenue at Gonzalo Puyat St. (kilalang Raon St.), sa Sta. Cruz, Maynila, nitong Martes, 28 Hulyo, Tuesday, July 28.
Sa mga inisyal na ulat, nabatid na nagsimula ang apoy dakong 12:31 ng tanghali, kung kailan nakita ang apoy at makapal na usok mula sa ikalimang palapag ng gusali.
Kilala ang gusali bilang mga tindahan ng electrical equipment, makina, automotive supplies, at mga sound system component.
Nahirapang apulahin ang apoy dahil sa makikitid na eskinita at dami ng taong dumaraan sa lugar.
Pinayohan ang mga motoristang iwasan muna ang lugar at dumaan sa mga alternaibong ruta habang patuloy ang operasyon ng mga bombero.
Walang naiulat na nasaktan sa insidente.
Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan ng sunog at ang halaga ng pinsalang dulot nito.