Brent Manalo kinontra pagpapatayo ng Pax Silica sa Tarlac

Brent Manalo BBM

I-FLEX
ni Jun Nardo

KONTRA ang Pinoy Big Brother grand winner na si Brent Manalo sa ipatatayong AI hub sa Tarlac City . Mula sa Capas, Tarlac si Brent kaya naman concerned din siya sa magiging epekto ng AI hub na Pax Silica ang tawag para sa kanyang kababayan.

Bahagi ng inilabas na post ni Bent sa kanyang Face Book, “Tarlac heavily relies on agriculture for its sustenance at marami sa magsasaka namin ang posibleng ma-relocate dahil dito.

“And this is just one of the many risks it poses. The 1.6k hectare AI-hub promises to be innovative, but at what cost?”

Nabanggit ang Pax Silica sa nakaraang SONA ni President BBM. Maraming bansa ang magsasama sa pagpapatayo nito.

Mahaba-habang usapin ito kung sakaling matuloy ang Pax Silica.