Heart happy kay Bea: grabe ‘yung glow
RATED R
ni Rommel Gonzales
MALAPIT na magkaibigan, kaya naman personal na binati ni Heart Evangelista si Bea Alonzo a few days matapos ang pagpapakasal nito kay Vincent Co.
Sa Instagram Stories ng The Aivee Clinic, may video na makikita na pumasok si Heart sa treatment room na naroroon si Bea kasama sina Dr. Aivee Teo at Dr. Z Teo.
“Grabe ‘yung glow,” bulalas ni Heart matapos silang magyakapan ni Bea.
Nagpahayag din si Dr. Aivee ng kanilang kasiyahan para kay Bea sa pagsasabing, “We’re just so happy. Masaya lang kami.”
Na sinegundahan ni Heart ng, “That’s how it should be!”
Sa isa pang Instagram Story, nag-post si Dr. Z ng group photo nila nina Heart, Bea, at Dr. Aivee, habang may hawak na bouquet of flowers na may caption na, “Sweet surprises and beautiful reunions. Happy to congratulate the happy bride [Bea]. How amazing we are altogether [The Aivee Clinic] Star at the same time.”
Ikinasal sina Bea at Vincent sa isang very private at simple civil wedding ceremony noong July 13 sa opisina sa Makati City Hall ni Mayor Nancy Binay.
