Ari’el busy as a bee
MATABIL
ni John Fontanilla
BUSY as a bee ang singer na si Ari’el sa promotion ng kanyang hit song na Masakit Magmahal ng di ka Mahal na mula sa komposisyon ng kanyang manager na si Otek Lopez.
Katatapos lang nitong mag-guest sa Barangay LSFM 97.1 sa opening ng Polara Studio and Pocket Aroma at sa Online Teen Show na IGEE STUDIOS na napapanood sa ONFLIX.
Magsisilbing espesyal na panauhin din ito sa concert ni Myrus (Myrus My Time) sa Oct. 9, 2026 sa Music Museum.
Tatanggap din ito ng award at kakanta sa Aug. 1 sa Grand Ballroom ng Camelot Hotel para sa 7th Philippine Faces of Success ni Award Guro Richard Hinola.
