Jake Vargas Inah De Belen

Jake at Inah pinag-uusapan na ang kasal

MATABIL
ni John Fontanilla

GOING strong ang pagsasama nina Jake Vargas at Inah De Belen na sampung taon na ang relasyon.

At habang tumatagal ang kanilang relasyon ay mas lalo pang tumitibay ang kanilang pagsasama at pagmamahalan.

Tanggap na tanggap na rin si Jake ng pamilya ni Inah mula sa parents nitong sina Janice De Belen at John Estrada, ganoon sa pamilya ni Jake.

Nasa proseso na sila na pinag-uusapan nina Jake at Inah ang pagpapakasal, pero hindi pa ngayon, dahil mas maganda na handang-handa na sila bago lumagay sa tahimik.