Yance Figueroa Daniel Padilla Coco Martin

Coco at Daniel gustong gayahin ni Yance Figueroa

MATABIL
ni John Fontanilla

ISA sa promising at malaki ang posibilidad na sumikat sa hanay ng mga talent ng Mannix Carancho Talent Management na pag-aari ng CEO & President ng Prestige International na si Mannix Caranchoay si Yance Figueroa, 18.

Bukod kasi sa napakaganda at maamo nitong mukha na pang-leadingman ay napakaganda pa ng PR katulad ng magkatambal na KoShelleine (Kosuke at Shelleine) na alaga rin ni Mannix ay laging may handang ngaiti sa mga entertainement press.

Kuwento nga ni Yance na bata pa siya ay pangarap na niyang maging artista at paborito niya si Daniel Padilla.

Bata pa lang po ako ay pangarap ko po na mag-artista.

“Sabi ko sa sarili ko gusto ko ring maging katulad ng mga artistang napapanood ko sa TV.

“Paborito ko pong aktor si Daniel Padilla, kasi magaling po siyang umarte, gusto ko po ‘yung estilo niya sa pag-arte.”

Dagdag pa nito, “Gusto ko pong sundan ‘yung yapak niya sa pagiging artista at magandang ehemplo sa mga kabataan.

“At sana po soon, makatrabaho ko rin si Daniel sa pelikula o teleserye.”

Malaki ang ipinagpapasalamat ni Yance kay Mannix sa opportunity at payo na ibinibigay sa kanila.

Mag-aral mabuti at ‘wag sayangin ‘yung mga magagandang oportunidad na darating sa amin.

“Kaya nga po nagpapasalamat ako sa kanya, sa tiwalang ibinigay niya sa akin para mapasama sa ambassador ng Prestige International at ngayon po bilang alaga ng Mannix Carancho Talent Management, na galing po si Fyang Smith.

“Hopefully po katulad ni Fyang mabigyan din ako ng pagkakataong mapasama sa isang teleserye o pelikula.”

If mabibigyan siya ng pagkakataong magkaroon ng tv o movie project ay gusto nito ang action, katulad ng isa pang paborito niya na si Coco Martin na wish din nitong makatrabaho.

Gusto ko po action, idol ko rin po si Coco Martin, napakahusay niyang action star.

“Sana po makatrabaho ko rin po siya sa teleserye o sa pelikulang action.”

Sa ngayon ay abala si Yance sa pagba-vlog at sa pag-eendoso ng mga produkto ng Prestige International at nag a-undergo rin ito ng acting, dancing, at singing workshops bilang paghahanda sa mga darating na proyektong kanyang gagawin.