Miss Q and A Weekly winner Andrea Lim wish maging Journalist katulad ni Kara David
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
MALAKAS talaga ang impluwensiya ni Vice Ganda lalo sa mga kapwa niya LGBTQ community.
Tulad ni Andrea Lim, content creator at internet sensation, pangarap niyang maka-collab si Vice Ganda.
Ang Unkabogable Star din ang idolo ng 22 years old na nagmula sa Angeles City, Pampanga.
“Dream collab ko po si Meme Vice Ganda,” anito sa isang palitan namin ng mensahe. “Since bata pa ako, siya na talaga inspiration ko, and iyon po ang isa sa reasons why nag-start po ako mag-vlog.I wanna be like her,” giit ni Andrea na isa sa 72 alaga ni Mannix Carancho, ang Lord of Soap at CEO & President ng Prestige International.
“Idol ko po rin si Meme Vice. Kasi bukod sa inspiration siya sa maraming LGBT members like me, she has the courage to speak up for those people na madalas naaabuso ng gobyerno and ng lipunan. I also like the fact na napaka-talino niya,” aniya pa
Natigil man si Andrea sa pag-aaral subalit ang pangarap niyang maging host ay hindi niya susukuan.
“I like public speaking and gusto ko rin pong maging journalist like Ms Kara David,” sambit ni Andrea na may 500k followers sa Tiktok, 200k sa Youtube, at 100k sa Facebook.
Bago pa man naging content creator at internet sensation si Andrea, kontesera siya sa Pampanga na naging source of income niya noon.
Ukol sa couple na mina-manage njya, ang Yanella ang tinatalakay niya sa kanyang vlog sa YT, samantalang sa Tiktok ay more on chika at random daily vlogs.
Malaking na ang kaibahan ng buhay ni Andrea noon at ngayon. Kaya naman malaki ang pasasalamat niya na nasa poder na rin siya ng Mannix Management.
“Malaki po ang naitutulong sa akin, sa aming mga alaga, ng Mannix.
“Everytime I earn po I make sure na nagpapadala po ako sa lola ko pang medicine niya and sinusuportahan ko rin ang family ko dahil breadwinner po ako.
“I also invest on the things na need ko sa vlogging like phone and ipads for video and editing,” pagbabahagi pa ni Andrea.
Sa ngayon, pinaghahandaan ni Andrea ang
Grand Finals ng Miss Q and A sa It’s Showtime lalo ang gown na aniya ay pasabog ang kanyang costume.
Weekly winner ng Miss Q and A: Reyna Talak-Era segment sa It’s Showtime si Andrea noong special Pride Week episode, June 2026. Tie sila sa crown at sa weekly title ng isa pang kandidatang si Mama Mama, at pareho silang kinilala bilang “Talakitalk of the Week.”
