Denise ipinagtanggol kapwa VMX artists: ‘Di lang paghuhubad kaya namin magagaling din kaming umarte
MATABIL
ni John Fontanilla
WALANG paligoy-ligoy at diretsahang sinagot ng star ng VMX film na Booking na si Denise Esteban na handa siyang magpa-booking kung kinakailangan para sa pamilya.
Dahil ang tema ng pelikulang pinagbibidahan nila nina Nico Locco at Margaret Diaz ay tungkol sa Booking ay natanong ito kung by choice at kinakailangan talaga for family, handa ba itong magpa-booking?
Sagot ni Denise, “Hindi po ako magpapaka-plastic! Kung dumating man ‘yung time na as in zero tapos may sakit ‘yung pa, yes for my family gagawin ko.”
Dagdag pa nito, “Kasi ako po pinalaki ng parents ko na family first. And religious po kasi ‘yung mama at papa ko, lalo na sa side ng mama ko.
“And ayun po, ako gagawin ko lahat para sa family, so yes.”
Hindi naman sumasang-ayon si Denise sa mga nagmamaliit at nagsasabing pagpapa-sexy lang ang kayang gawin ng isang VMX star at ‘nilalang’ ang pagiging sexy star.
“Siguro ‘yung pagsasabi ng ibang tao na VMX lang sila, siyempre nasa Pilipinas tayo ‘di ba, hindi natin maiiwasan ‘yan.
“Pero kapag international sasabihin natin, ‘yung ‘Fifty Shades’ o ‘365 days’ lahat ng movies na international na may nudity pinupuri.
“Pero ‘pag local ‘yung gumagawa. VMX lang. Hubad lang ang ginagawa, parang ‘yan lang ang kaya nilang gawin.
“Siguro may mga tao talagang hindi kayang suportahan ‘yung kung ano ang maipakikita ng sarili nilang bansa.
“And sa mga VMX artist naman, hindi lang basta hubad ang kayang gawin ng mga artistang VMX, halos lahat magagaling umarte.
“Pinatunayan ‘yun ng isa sa ‘Sine Silip’ (Angela Morena) na nanalo ng Best Actress, ipinakita roon na ‘yung mga talent ng VMX, hindi paghuhubad lang ang kayang gawin. Mayroon ding acting, pagpapatunay lang na may talent sa acting talaga ang mga VMX artist.”
Makakasama ni Denise sa VMX Original Movie na Booking ang equally palaban sa pagpapa-sexy pero may galing sa pag-arte na si Margaret Diaz at si Nico.
Mapanood ang Booking simula July 24, sa VMX, sa direksiyon ni Pongs Leonardo, hatid ng VMX.
