Nadine ‘di natuwa lupa ng mga Aeta ginawang tambakan ng basura
MATABIL
ni John Fontanilla
MULING hinangaan ng mga netizen si Nadine Lustre nang gamitin nito ang kanyang social media para punahin ang ilang government officials na may kinalaman sa pagtatambak ng basura sa lugar ng mga kababayan nating Aeta.
Kilala si Nadine sa kanyang environmental advocacies, kaya naman hindi nito naiwasang magalit sa nangyayari.
Post nito sa kanyang Instagram, “This is just heartbreaking. Such an injustice to the Aeta people, their ancestral land, and the environment. Panong di ka magagalit?”
Hindi rin nito pinalagpas ang pahayag ng isang government official na, “Pansamantala po roon namin naisip na ilagay, hindi namin alam na may community.”
Na sinagot ng aktres ng, “Kahit pansamantala pa ‘yan. Hindi pa rin tama.”
Sana nga ay gawan ng paraan ng ating gobyerno na hindi magmukhang tambakan na lang ng basura ang lupain ng mga kababayan nating Aeta.
Kaya naman sa ginawa ni Nadine ay marami sa ating mga kababayan ang sumasaludo sa kanyang katapangang ipahayag ang saloobin kaugnay sa nasabing isyu at sa pagmamahal nito sa ating mga kababayan.
