Julie Anne at Rayver ‘hiwalay’ muna
I-FLEX
ni Jun Nardo
HINDI pa tapos ang hosting ni Julie Anne San Jose sa The Clash Teens edition, nakaabang na ang pagiging coach niya sa The Voice Kids Season 3, huh!
Kabilang si Julie sa bagong coach at makakasama niyang coach sa singing search ang Pop Rock Royalty na si Yeng Constantino at Pinoy rap legend na si Gloc 9.
Malapit na ring matapos ang The Clash kaya focus si Julie Anne sa The Voice. Hiwalay muna sila ng dyowang si Rayver Cruz.
