Andrew E North America Tour 2026

Fans sa abroad, sabik na sa “Andrew E.  North America Tour 2026” ng King of Pinoy Rap

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MARAMI na ang nag-aabang sa gaganaping “Andrew E. North America Tour 2026” ng King of Pinoy Rap na si Andrew E. Magaganap ito sa US, Canada, at tapos ay may pahabol pa sa Australia.

Sa pagkakaalam namin, noong 2023 pa ang last na world concert tour ni Andrew, kaya maraming mga kababayan ang sabik na sabik nang mapanood siya nang live.

Ang unang part nito na pinamagatang “Andrew E. Live in Arizona” ay magaganap sa August 14, 2026 sa Royal Palace Event Venue sa 1915 W Thunderbird Rd. Phx, AZ 85029. Special guest dito ni Andrew E. ang talented na singer, composer, at comedian na si Mojack. Kasama rin dito ang Jaw Tee (Salbakuta), Sixth Threat, Budz & Proy (Undadogs Rap Duo), at si Alvin Caraveo.

Susunod ay sa San Leandro, California sa Aug. 23 sa Historic BAL Theatre, tapos ay sa San Antonio, Texas sa Aug. 29 sa Stable Hall, at Toronto, Canada sa Sept. 5 sa Canada Event Centre.

Actually, halos sold out na ang mga VIP tickets nito. Ito ang nalaman namin sa aming short chat sa butihing maybahay ni Andrew na si Ms. Mylene Yap Espiritu.

Aniya, “Oo, almost sold out na mga VIP!” Patunay na excited na ang maraming kababayan sa abroad sa North America Tour ni Andrew.

Nang kunin naman namin ang reaction ng iconic na rapper hinggil sa kanyang concert tour na ito, kung ano ang dapat i-expect ng fans niya na manoonood sa kanyang world tour, ito ang kanyang tugon:

“Expect ang kasiyahan and new song performance and mga bagong merchandise… and first time ko rin sa mga lugar na ito na makapag show,” matipid na pahayag ni Andrew.

Well, ito na ang chance ng mga Pinoy sa US, Canada, at pati na sa Australia upang makitang muli na mag-perform nang live ang iconic na idolo. Kaya huwag itong palampasin.

Incidentally, may isa pang pasabog na aabangan kay Andrew, ito ang release ng kanyang bagong song  na magaganap sa kanyang birthday salubong sa July 29. Kaya sure kami na maraming fans ni Andrew ang mag-aabang sa special treat na ito.

Anyway, kamakailan din ay pinarangalan siya sa 17th PMPC Star Awards for Music. Pinagkalooban si Andrew ng Pilita Corrales Lifetime Achievement Award. Kaya tuloy-tuloy talaga ang pagratsada ng showbiz career ni Andrew.