Richard Gutierrez

Richard sa paggamit ng AI sa action movies: ikontrol

I-FLEX
ni Jun Nardo

BUKAS ang isipan ni Richard Gutierrez na hindi na mapipigilan ang paggamit ng AI o Artificial Intelligence lalo na sa action movies.

Batid ni Chard na ginagamit na ang CGI na Computer Generated Images sa mga action movie dito sa atin at maging sa ibang bansa.

Alam niyang doon na papunta ang technology ngayon. Nangyayari na ito sa local and foreign movies gaya ng  bintang sa series ni Coco Martin at ng sarili niyang Blood versus Duty.

Eh sa pagtatapos ng series ni Chard with Gerald Anderson, ngayong Friday ang finale week sa Netflixat sa Monday sa free, TV, batid niyang magagamit ang AI sa ilang eksena sa series.

Basta ang payo ni Chard, magkaroon ng control sa AI pagdating sa mga artistang gumaganap sa series.