Angel Locsin Robin Padilla

Angel kinuwestiyon si Robin hinggil sa red tagging at pananaw sa politika

I-FLEX
ni Jun Nardo

BIGLANG sulpot ang nananahimik na si Angel Locsin at pinagpipistahan ngayon ang naging pagkontra niya sa naging pahayag ni Senator Robin Padilla tungkol sa pagiging komunista umano.

May halong panunumbat ang post ni Angel sa kanyang Facebook account lalo na noong panahon na nakararanas siya ng red tagging!

Basta ang markadong pahayag ni Angel, “Tama na, kuya. Gising na. Hindi pa huli ang lahat.”

Nagkasama sina Sen. Robin at Angel sa GMA series na Asian Treasure noong 2007.

Umani ng papuri ang nananahimik na aktres sa kanyang pahayag kay Sen Robin!