Sa Maguindanao del Norte
PEACE ADVOCATE NA RADIO STATION TECHNICIAN ITINUMBA
PATAY sa ratrat ng baril ang isang peace advocate na senior technician sa isang Catholic-run radio station sa Cotabato City ng armadong riding-in-tandem sa Maguindanao del Norte nitong Martes ng gabi.
Kinilala ang bikima na si Dennis Pido, 56 anyos, radio technician ng DXMS-AM/DXOL-FM ng Notre Dame Broadcasting Corporaton (NDBC), pag-aari ng Oblates of Mary Immaculate, residente sav Pigcawayan, North Cotabato.
Sa pahayag ni Captain Steffie Salanguit, spokesperson ng Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), idineklarang dead on arrival si Pido ng mga doktor sa hindi kalayuang Cotabato Sanitarium General Hospital sa Barangay Pinaring sa Sultan Kudarat kung saan siya dinala ng mga emergency responders upang malapatan ng lunas.
Sa ulat ng Maguindanao del Norte Police, nangyari ang insidente sa Barangay Limbo, Sultan Kudarat dakong 3:50 ng hapon nitong Martes, 14 Hulyo.
Ayon kay Salanguit, minamaneho ni Pido ang kaniyang Honda CRF 300 motorcycle patungo sa kaniyang trabaho nang harangin ng riding-in-tandem suspects.
Armado ng hindi pa natukoy na kalibre ng armas, pinagbabaril ng backrider na nagsilbing hitman ang biktima saka mabilis na nagsitakas.
Apat na bala ng baril ang tumama, tatlo rito ay tumagos sa kanyang puso na kanyang ikinamatay.
Kinondena ni Drema Quitayen Bravo, DXMS-AM/DXOL-FM station manager, ang pag-atake sa nasabing biktima at hiniling sa pulisya na imbestigahang mabuti ang kaso, arestohin ang mga salarin upang mabigyang hustisya ang mga naulila ng biktima.
Kasalukuyang iniimbestigahan ang insidente upang matukoy ang motibo ng mga salarin.
