Bea at Vincent Co lihim na ikinasal sa Makati
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
IKINASAL na sina Bea Alonzo at Vincent Co. Ito ang kinompirma kahapon ni Ogie Diaz sa kanyang Facebook page na Ogie Diaz TV kahapon ng hapon.
Ayon sa talent manager at host na si Ogie, nangyari ang kasalan noong Lunes ng 7:00 p.m. sa Makati City Hall.
Hindi man binanggit ni Ogie, may mga naglabasang picture na ang nagkasal kina Bea at Vincent ay si Makati Mayor Nancy Binay. Patunay ang ibinahaging picture ni Mayor Nancy kasama si Bea sa kanyang social media account na may caption na: “Coffee w/ coffeemate. #onemorechance (laughing face emoji).”
Ayon pa sa pahayag ni Ogie, ang tanging present sa naganap na kasalan ay ang may-ari ng Secosana Bags, na business partner ni Bea sa pag-aaring negosyo na Bash Bags. Ito ang nagsilbing witness sa seremonya.
Sabi pa ni Ogie na may nagpadala sa kanya ng mga litrato na kuha sa civil wedding ng dalawa gayunin ng kopya ng marriage certificate ng mga ito.
Kaya naman naniwala siya sa natanggap na balita dahil na rin sa mga picture na ipinadala sa kanya.
“Hayan nga, may nagpadala sa akin ng litrato. Ay oo nga, confirmed nga!” pagpapatunay ni Ogie.“Finally, natupad din ang pangarap ni Bea na una, makasal dahil siyempre, pangalawang udlot na ito, in case lang, if ever, ‘di ba, maganda rin ‘yung tahimik lang.
“Wala sa side ni Bea ‘yung nakialam, at sa side naman ni Vincent Co, siyempre…eh, ilang taon na rin naman si Vincent,” wika pa ni Ogie.
Wala pa namang pahayag opisyal na pahayag sina Bea at Vincent habang isinusulat namin ang balitang ito.
Bago ito’y may kumalat na Lunes ng gabi sa social media mula kay AltindayBadiday ang balitang matutuloy na ang kasal. Hindi man binanggit kung sino, sina Bea at Vincent ang agad naming naisip.
Ayon sa post ni AltindayBadiday: “Mula Sa Bulwagang Pambalitaan Na Pinaputok Na Bungangang Tsismosang Kapitbahay Pasok. @AltToti
Ayon sa ating mapagkakatiwalaang source… MATUTULOY NA ANG KASAL!!!
Nililito lang ang mga utaw sa araw ng kanilang ‘I do’!
Malay mo balang araw, dumating din yün… Ig
Toti Marie @AltToti •
Chika bukas, today ang broadcast:
may IKAKASAL TODAY at mamayang gabi ito mangyayari ®“
Nasundan pa ito ng: “Heto na ang CHIKANG inaabangan ninyo!!!
KINASAL NA NGA sa Makati!!!
May hawak akong resibo; picture and certificate of marriage.
All’s well that ends well! Ang saya ko para sa inyo! (
Congrats and Best Wishes!!!“
Marami ang natuwa at bumati sa kasalang Bea at Vincent at isa na kami roon.
Congratulations and Best Wishes, Bea at Vincent.
