Aubrey Caraan Lance Carr Rosario

Aubrey at Lance mananakot sa Rosario

I-FLEX
ni Jun Nardo

IPALALABAS na sa sinehan ngayong August 5 ang Viva movie na Rosario na ang leads ay ang loveteam nina Aubrey Caraan at Lance Carr.

Tungkol ito sa mga pamahiin sa patay especially ‘yung paglalagay ng rosaryo sa namatay at pagputol nito bago ilibing para hindi magtuloy-tuloy ang mamamatay sa  pamilya ng namatayan.

Eh ayon sa director, lumaki siya sa pamahiin noong kabataan niya kaya naman ‘yung mga kuwento tungkol doon eh gusto  niyang ipakita sa movie.

Takot ang hatid nina Aubrey at Lance na nadama rin nila habang ginagawa ang Rosario.