Xia Vigor excited sa 2nd Miracle, naimbitahang mag-aral sa Oxford

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NAGULAT at na-excite si Xia Vigor dahil hindi niya inaasahang magkakaroon ng 2nd Miracle in Cell No 7 ang pelikula nila noon ni Aga Muhlach, ang Miracle in Cell No 7 na ipinalabas sa 45th Metro Manila Film Festival noong 2019.

Ani Xia ganoon ang kanyang naging reaksiyon dahil seven years bago nasundan ang Miracle in Cell No 7 na noon ay sampung taong gulang pa lamang siya. 

“Matagal na kasi at hindi ko siya ever naisip na gagawan ng part 2,” panimula ni Xia nang makahuntahan namin sa pamamagitan ni Dominic Rea (kolumnista rin ng Hataw) isang maulang hapon sa Cafe Escudero sa Quezon City. 

“Actually, may mga nagme-mention, nagpapa-picture at sinasabi, ‘Xia gawa kayo ng part 2.’  Sabi ko ‘eh paano ko po gagawin iyon, malaki na si Yesha (ang karakter na ginagampanan niya).’ 

“O parang hindi ko ever na-imagine na gagawin again ang Miracle in Cell No 7. Kaya super excited at nagpe-prepare na ako (nang malamang gagawa ng Miracle 2nd). I’m sure drama uli, iyakan uli,” mahabang tugon ng dalagita.

Ayon kay Xia, sequel-prequel ang 2nd Miracle na ipakikita ang 16 year old na Yesha na karakter niya. Ipakikita rin kung paano nag-cope si Yesha matapos mamatay ang kanyang ama (Aga Muhlach).

“And very interesting iyon dahil hindi pa natatapos ang kuwento ng Miracle… eh makikita na ang life ni Yesha. And noong ‘Miracle 1’ naging lawyer na si Yesha, so it’s very inspiring and si Joselito (ang kanyang ama, si Aga) ipakikita ang life niya before Yesha,” kuwento pa Xia sa tatakbuhin ng 2nd Miracle.

Pagkaraang gawin ni Xia ang Miracle 1 ay nabigyan siya muli ng project subalit nang mag-pandemic umuwi muna sila sa probinsiya ng kanyang ina, sa Mindoro. Na anang dalagita nakatulong sa kanila dahil hindi nila naranasan ang ma-lock down talaga. Iyon kasi ang panahon ng pandemic.

“Wala kasing covid doon. Kaya malaya akong nakakapaglaro sa mga kapitbahay, kamag-anak namin. Nakapaglaro ako ng patentero at nagkaroon ako ng maraming friends which is very memorable. 

“Then noong nag-12 ako bumalik ako ng Manila para gawin ang ‘Wedding Dress’ na unang project ko after pandemic with Cristine Reyes. Nabigyan din ako ng ibang projects kasama si Janno Gibbs and may mga horror movie rin. And ngayon itong ‘2nd Miracle’ at talagang nagpe-prepare ako.

“It was such an honor na maging part uli ng MMFF after so long and grabe ang bibigat ng makakatapat namin na movies. Hindi naman makakalaban dahil iisa ang goal namin, maihandog ang mga movie namin for the Filipinos. Medyo nakaka-pressure pero gagalingan ko po,” paniniyak ni Xia ukol sa gagawin nilang pelikula.

Naibahagi ni Xia kung paano niya nalamang gagawin niya ang 2nd Miracle

“Actually randomly lang niyang (Boss Vic del Rosario) nasabi sa akin noong magkita kami. Kasi may meeting noong time na iyon nilapitan lang niya ako at saka sinabi na gagawin na nga namin ang ‘2nd Miracle.’  

“Ang reaction ko, ‘ha?’ ‘Anong 2nd Miracle?’ (sa isip po). Kasi randomly niya lang binanggit sa akin. Wala pa rin kasing nagsasabi sa akin at first time kong narinig kay Boss Vic and then sabi ko lang, ‘a ok po.’ Sobrang baba lang ng reaction ko dahil wala pa akong idea noong sinabi niya iyon. 

“After a few days doon ko nakita na MMFF entry pala. Na-realize ko na ang baba ng reaction ko kay Boss Vic tapos MMFF entry pala. Sobra akong natuwa, nagtatalon, super excited,” masayang pagbabahagi pa ni Xia.

Memorable kay Xia ang Miracle in Cell No 7 dahil sobrang power cast ang mga kasama niya bukod kay Aga, naroon din sina Joel Torre, John Arcilla, Tirso Cruz III, Mon Confiado, JC Santos at marami pang iba.

“Sobrang power cast talaga iyon. Ako nga iyong outcast kasi lahat veteran actor, ako po during that time five years pa lang sa showbiz, sila decades na kaya parang andoon ang pressure na sa isang batang gaganap, malaki iyong role for this. 

“Pero of course, sobrang humble ng lahat, sobrang babait kaya hindi ko na-feel na parang hindi ako belong. Parang naging family kami on set. 

“So being able to film this again with the same people for the 2nd time, sobrang nakatutuwa, para kaming reunion ng family. Kumbaga, kasi ‘yung ‘Miracle in Cell No 7’ naging malaking part iyon ng career ko talaga and maraming taong nakaka-recognize sa akin from that movie. 

“And I guess, it did live ng malaking impact din sa mga tao. So, being able to do this again, ‘2nd Miracle’ sobrang malaking bagay ito sa akin and sobrang I will really prepared for this,” sambit pa ni Xia.

Natanong si Xia kung nag-workshop siya noong gawin ang Miracle 1 at aminado itong  nag-acting workshop siya kay Raymond Bagatsing.

“Si Tito Raymond Bagatsing po ang nagturo sa akin. Sobrang napakagaling na aktor. Actually, maraming credits kay Tito Raymond kasi siya talaga ang nagturo ng mga technic with crying although noong ‘Langit Lupa’ (sa ABS-CBN), may mga crying scene din ako.

“Pero iba kasi iyong ‘Miracle…’ high demand crying scenes siya and kailangan mabigat talaga ang maramdaman ng mga audience. So, malaki talaga ang naitulong ni Tito Raymond and I will forever grateful to him kasi sobrang galing naman talaga niya. He’s one of the best. It’s an honor na natulungan niya ako and for sure madadala ko pa rin ito sa ‘2nd Miracle’ iyong naituro niya sa akin before,” pagbabahagi pa ni Xia.

Nang matanong ang dalagita kung may pressure ba na kailangang manguna muli ang kanilang pelikulang 2nd Miracle, sinabi nitong, “Just being part of the MMFF after seven years is already a blessing for me. I don’t focus on the pressure anymore.

“I’ll do my absolute best for this film and give everything I have to the project. Winning an award would make me happy, but even if I don’t, being in the MMFF is already a huge honor.”

Ang nakaka-pressure sa ngayon kay Xia ay ang napakaraming blessings na dumating sa kanya ngayong ngayon. Bukod kasi sa MMFF movie, nariyan din ang Oxford University na na-invite siya para mag-aral doon ng isang linggo, gayundin ang Viva One series na Love U Lots na pinagbibidahan nina Wilbert Ross at Bea Binene.

Ani Xia ukol sa imbitasyon ng Oxford University, “Currently I am enrolle in online classe ko to continue my studies. Actually, I received an invitation from Oxford university to study there for one week. Ita-try lang po na maging student for a week and it’s an honor to be invited.”

Ang imbitasyon kay Xia sa Oxford ay mula sa Youth Fuel organization na siyang nag-sponsor sa kanya para sa isang linggong special study sa Oxford.

It’s still unbelievable, Oxford is truly my dream school. I never expected this. Even a one week program at such a prestigious university is incredible and afterward, I hope to apply for full admission. I just hope na makapasa ako sa entrance exam nila,” sambit pa ni Xia.

Sakaling matanggap sa Oxford University balak ni Xia na mag-aral ng filmmaking.

Sa December din kailangang magtungo ni Xia sa Oxford para sa isang linggong pag-aaral afterwards ay babalik agad siya para harapin naman ang MMFF.

Sobra-sobra ang pasasalamat ni Xia sa blessings na dumarating sa kanya at umaasa siyang someday makakatrabaho niya ang hinahangaan niyang si Sarah Geromino. Peron gayon, haharapin muna niya ang mga proyektong iniatang sa kanya ng Viva.