Herbosa nagbitiw Pujalte bagong Kalihim ng DOH
NAGBITIW si Teodoro Herbosa, bilang kalihim ng Department of Health (DOH) bunsod ng isyung pangkalusugan at hinayaan si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na pumili ng kanyang kapalit.
Kinompirma ng Palasyo ang pagkakatalaga kay Brittanio Pujalte, Jr., dating chief ng Philippine Orthopedic Center (POC) mula noong Hulyo 2014.
Nabatid na nagsumite si Herbosa ng courtesy resignation kay PBBM kahapon. Ang dating Kalihim ng DOH ay sumailalim sa knee replacement surgery.
Sa kanyang mensahe, inamin ni Herbosa na nagpasya siyang bumaba sa posisyon dahil napagtanto niyang kailangang alagaan ang kanyang sarili matapos sumailalim sa operasyon.
βToday, I tendered my courtesy resignation as SOH (Secretary of Health) to PBBM. My operation has made me realize that I also need to take care of myself,β aniya.
