Will Ashley masayang nakahati si Rico Blanco sa award
MATABIL
ni John Fontanilla
WALANG katotohanan na hindi bet ni Will Ashley na naging ka-tie niya for Best Supporting Actor si Rico Blanco sa katatapos na 9th Eddys O Entertainment Editors’ Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).
Tsika ni Will sa isang interview, “Masaya po ako. Nakatutuwa po, sobrang nakatataba ng puso na manalong best supporting actor. Para makita po nila ang craft ko, ang pag-arte ko, malaking bagay po `yon.
“Super happy po ako na ka-share ko si Sir Rico Blanco sa award na ito.”
Dagdag pa ng batang aktor, “Siguro kapag mga ganitong pagkakataon, mas nakai-inspire talaga to do more, to be better sa craft ko. Wala naman akong kaba.
“Kumbaga nasa ano lang ako, it is what it is, go with the flow, whatever happens, kung ano ang plano ni Lord, `yun ang deserve ko.”
Nagwagi si Will sa napakahusay nitong pagganap sa pelikulang Bar Boys: After School.
