Kanta ni Joey na MaeBimby kinagiliwan ng netizen
MATABIL
ni John Fontanilla
MULING na-inspire ang Eat Bulaga host na si Joey de Leon sa kinakikiligang tandem ngayon na sina Ryzza Mae Dizon at Bimby Aquino kaya nakagawa ito ng kanta para sa dalawa.
Sa saliw na awiting Let it Be ng Beatles ay pinalitan nito ang lyrics at ginawang MaeBimby.
Sa parody song na ginawa ni Joey ay binanggit ang mga sumikat na love team from Guy & Pip to KathNiel at AlDub, maging ang mga sumikat na loveteam sa Hollywood pero talbog daw silang lahat ng MaeBimby.
Kinagiliwan ng netizens ang nasabing awitin at nag-viral sa Facebook at Tiktok.
