Barbie Forteza may resbak
IPINAKITA na ng Regal Entertainment ang unang teaser ng pelikula, na nagbibigay sa mga manonood ng isang sulyap sa pagbabago ni Barbie Forteza bilang Cherry, isang young woman na maingat na pinaplano ang buhay nang biglang nauwi sa isang serye ng mapangahas at nakatutuwang misadventure.
Tampok sa preview ang magaan ngunit emosyonal na pagganap ng bidang babae, na itinatampok ang kanyang comedic instincts at ang kakayahang magpakita ng isang hindi perpekto ngunit relatable heroine.
Pagbibidahan ni Barbie ang bagong handog ng Regal Entertainment, ang Saving Cherry na idinirehe ni Ivan Andrew Payawal.
Ang Saving Cherry ay ukol kay Cherry (Barbie), isang konserbatibo at debotong babae na nagbabalak iligtas ang kanyang pagkabirhen para sa gabi ng kanyang kasal — hanggang sa mahuli niyang nanloloko ang kanyang kasintahang si Jude (Khalil Ramos).
Determinadong bawiin ang pagkontrol, nagsimula si Cherry sa isang wild road trip kasama ang kanyang mga bridesmaid at wedding planner para sa misyong mawala ang pagkabirhen, habang ang isang nagsisising si Jude ay sumusubok na bawiin siya.
Tampok din sa pelikula sina AC Bonifacio (Ingrid), Mika Salamanca (Jewel), Mikee Quintos (Beth), at Sassa Gurl (Martha), ang support system ni Cherry.
“‘Saving Cherry’ is an unapologetic comedy that flips the script on the ‘good girl’ narrative, exploring the nuanced and complex nature of a woman’s rage,” anang production team.
“It is a story about taking full control of your destiny, making your own choices, and becoming the woman you want to be.”
Ibang-iba ang karakter na ginagampanan ni Barbie sa Saving Cherry kung ihahalintulad sa mga nagawa na niya. Malayo sa polished romance roles na comedy packed with chaos, heart, at unexpected twists.
Sa kabilang banda, marami sa fans ng aktres ang na-excite sa kakaiba at bagong karakter na gagampanan nito.
Ang Saving Cherry ay mapapanod sa mga sinehan nationwide sa September 2 hando ng Regal Entertainment na nangangakong magbibigay ng pelikulang feel-good adventure na puno ng katatawaran, pagkakaibigan, at unexpected moments na yumayakap sa kakulangan ng buhay. (MValdez)
