Atasha nahusgahan agad base lang sa isang video
I-FLEX
ni Jun Nardo
KAWAWANG Atasha Muhlach. Hindi pa man nagsisimula ang musical na Bongga Ka, Day, The Annie Batungbakal Story, nahusgahan na siya base lang sa isang video na kinakanta ang ang hit song ng Hotdogs na Pers Lab!
Pati twang ng pananalita ng Tagalog eh, pinuna! Parang taga-Alabang ang kumakanta at hindi taga-Frisco, huh!
September pa mapapanood ang musical. Anong buwan ba ngayon? Puwes, may ilang buwan pa siyang gugugulin sa rehearsal para itama ang mga mali niya.
Hindi kayo ang producer ng musical. So kung sino ang gusto ng produ at hindi kayo ang may karapatang mamili ng bida.
Marami talagang judgmental at bida-bida na wala namang ganda at kasosyalan gay ani Atasha, huh!
