52nd MMFF 2026

Tiket sa MMFF 2026 ibinaba sa P299

HARD TALK
ni Pilar Mateo

SA mga nagaganap, aasahan ang isang masigabo at masayang Metro Manila Film Festival 2026 sa panahon ng Kapaskuhan.

Mula’t sapul, ang pagdiriwang na ito ng industriya ng Pelikulang Filipino ang tunay namang inaabangan ng sambayanan.

Sa kabila ng mga mabibigat na pagsubok na taon-taong dinaraana na  naitatawid naman sa kalaunan, hindi tumitigil ang Executive Committee ng MMFF at MMDA sa patuloy na pagbuo ng kaiga-igayang festival.

Sa paglulunsad palang nito para ianunsyo ang unang apat na entries base sa isinumiteng mga script, ibang kagalakan na ang dinama ng mga nag-abang.

Bago pa man ianunsyo ang apat na pumasok na entries, may sinabi na agad ang isa sa spokesperson ng  #MMFF2026 na si Noel Ferrer sa mga kaharap na media.

Did we hear that right, tickets will be priced at P299.00 max!

It’s been agreed that films in the Metro Manila Film Festival (MMFF) will be priced at a maximum of P299 per ticket.”

Dagdag pa nito, “Pero pwede pa siyang bumaba hanggang P250.00. Sa mga producer na may arrangement with the theater owners, especially ang mga nasa probinsiya.

“Hindi ba Kapatid! Napakagandang balita!  More accessible ang festival at mas marami ang makakapanood.” 

Isinagawa ni MMDA Chairperson Don Artes ang pag-aanunsiyo nito sa kanilang ExeCom meeting bago simulan ang paghahayag sa apat na pelikula na kaharap ang theater owners na pumayag o nag-commit sa naturang kasunduan.

Excited pa rin sa pagbabalita si Noel. Sa magaganap ngayong taon.  May buy-one-take-one promo na nga raw na pasabog ang Ayala Malls for local films. At malamang daw na gawin na rin ng iba gaya ng SM Malls. Pero sa MMFF, P299 ang standard ticket price.

Sumigla lalo ang pag-anunsiyo sa apat na pelikulang pasok na sa walong magbabanggaan.

Dahil naman ito sa pagsasanib-puwersa ng tatlong lungsod dito at sa Kabisayaan na masasaksihan ang pasabog na Parada ng mga Artista sa Disyembre.

Host cities ngayong taon ang Mandaluyong ni Mayor Menchie Abalos, San Juan ni Mayor Francis Zamora at mula sa City of Smiles ay ang Bacolod ni Mayor Greg Gasataya.

Idinaos din ang pagbibigay ng mga parangal sa mga nagsipanalo ng nagdaang taon bago inanunsiyo ang apat.

Sari-saring “genre” ang  apat na napili.

Drama ang 2nd Miracle in Cell Number 7 nina Aga Muhlach at Zia Vigor ang ihahatid ng Viva Films. Na ididirehe ni Nuel Crisostomo Naval.

Horror at kakaibang nightmare naman ang sa Regal Films na Haunted Carnival na magtatampok kina John Arcilla, Julia Barretto, James Reid, at Maricel Soriano. Sa direksiyon ni Joey De Guzman.

Family drama ang tatampukan  nina Dennis Trillo at Argus Aspiras mula sa direksiyon ni Zig Dulay at hatid ng GMA Films.

At ang nagsimula nang umingay na pagsasama nina Bossing Vic Sotto at Meme Vice Ganda naman mula sa APT, ABS-CBN, Star Cinema, M-Zet Productions, at Idea First Company.  Ito ang The Greatest Showdown na komedi  ang pinaka-plot na ididirehe ni Jun Robles Lana.

Ang saya ‘di ba?

Nakausap ko ang isa sa direktor ng pumasok na entry. Si Direk Zig ng Amir.

Tuwang-tuwa dahil may maikukwento na naman mula sa puso. Para maging totoo sa bawat kwento.”

Isa na yata si Zig sa pinaka-masipag na direktor ng kanyang panahon. Madaling araw ko siya madalas makita sa lobby ng aming condo. Pauwi pa lang. O kaya eh sasabay na sa crew papunta sa set.

Ang Amir kaya ang  minsan niyang nabanggit na pelikulang sa Marawi niya gagawin? 

Maganda kung matutupad.

Ayan na ang apat na pelikulang paka-aabangan. 

Ngayon pa lang pawang papasok sa box office ang may  box office appeal  na mga proyekto.

Christmas. Have a merry one!