Nick Vera Perez UPSA

Dr. Nick Vera Perez pinatunayan husay sa hosting, healthcare, at musika 

MULING ipinamalas ni Dr. Nick Vera Perez ang husay bilang Master of Ceremonies sa ika-3 taunang United Philippine Sports Alliance (UPSA) Basketball Tournament, na ginanap kasabay ng pagdiriwang ng ika-250 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Estados Unidos na dinagsa ng halos 2,000 atleta at mga tagahanga.  

Bilang Master of Ceremonies,  naging masigla at makabuluhan ang bawat bahagi ng programa sa pangunguna ni Dr. Nick. Sinimulan ang pagbubukas noong Hulyo 4 sa madamdaming pag-awit ng pambansang awit ng Estados Unidos at Pilipinas nina Audrey Esquivel at Evelyn O. Francia, na kilala bilang “Ethereal Singer.”

Sinundan ito ng parada ng mga atleta, pagbabasbas ni UPSA Commissioner Ricky Minion, at Panunumpa sa Amatyurismo na pinangunahan ni Kacie F. Naging mas makahulugan pa ang okasyon sa pagdalo ni Consul General Melvin Almonguera, na naghatid ng mensahe ng nagbibigay-inspirasyon tungkol sa pagkakaisa, serbisyo, at pagmamalaki sa mga Filipino.

Noong Hulyo 5, muling pinangunahan ni Dr. Nick ang closing ceremony sa pamamagitan ng kanyang propesyonalismo, karisma, at husay sa pagho-host. Isa sa mga tampok na bahagi ng programa ang simbolikong turnover ng gintong basketball mula sa host organization ngayong taon, ang SWIFBAC, na kinatawan nina Pangulong Hemler Asprer at General Organizing Adviser Martin Uy, bilang opisyal na hudyat ng paghahanda para sa susunod na host city—New York.

Sa tulong ng nakatuong organizing committee at sa mahusay na paggabay ni Dr. Nick,  naging matagumpay at hindi malilimutang pagdiriwang ang ika-3 UPSA Basketball Tournament. Higit pa sa kompetisyon, naging simbolo ito ng matatag na pagkakaisa, pagtutulungan, at patuloy na pagmamalaki ng mga Filipino sa Estados Unidos.

Samantala, bukod sa pagiging mahusay na host, si Nick ay isa ring Doctor of Nursing at recording artist. Abala siya sa pagpo-promote ng kanyang mga album na Dancing in the Ocean at Unafraid. Naghahanda na rin si Dr. Perez para sa paglabas ng kanilang ika-7 album, ang Reminiscing, na ilalabas ngayong taon sa iTunes, Spotify, Amazon Music, at iba pang digital streaming platforms. Tampok sa album ang 12 revived OPM at international classics, kabilang ang Bituing Walang NingningStuck on You, Sana’y Wala Nang Wakas, at iba pang mga kilalang awitin.

Patunay lang ito na kayang pagsabayin  ni  Dr. Nick ang pagiging  Doctor of Nursing, Master of Ceremonies, at recording artist.