I’m Perfect inimbitahan sa 2026 Lucania Filmfest; Krystel Go bibida sa isang serye
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
FROM the Philippines to Italy! Ito ang ibinandera ng Nathan Studios Inc. Sa kanilang socmed page na ibinalita rin sa katatapos na announcement ng apat na official entry para sa Metro Manila Film Festival 2026 noong Martes.
Ayon sa Nathan, ipinagmamalaki nilang ibalita na ang MMFF 2025 movie nilang I’m Perfect ay inimbitahan sa 2026 Lucania Film Festival sa Pisticci, Italy.
“We’re proud to announce that I’mPerfect has been officially invited to the 2026 Lucania Film Festival in Pisticci, Italy.
“A historical moment as the first Filipino film starring persons with Down syndrome to represent the Philippines at the festival.
Ci vediamo lì!”
Masaya ring ibinalita ni Sylvia Sanchez nang makausap namin ito bago magsimula ang 9th Eddysnoong Linggo, (kasama sa performer ang cast ng I’m Perfect) July 5 na mayroong offer kay Krystel Go(na nominado bilang Best Actress sa katatapos na Eddys Choice) na magbida sa series ng isang streaming app.
“Hindi kami ang producer, ha? Kinuha talaga siya, na siya ang lead,” masayang wika ni Sylvia.
Bukod pa sa may gagawin din silang docu series kasama ang mga ImPerfect cast na may Down syndrome.
Kaya hindi lang hanggang I’m Perfect movie ang mga cast nito dahil tuloy-tuloy ang trabaho nila at may mga nakaplano na para sa kanila ang Nathan Studios.
Sinabi pa ni Sylvia na wala silang entry ngayong taon para sa MMFF 2026.
“Magpapahinga muna kami. Dalawang taon na kaming (pamilya) walang Pasko dahil dalawang taong sunod na may entry kami,” sabi ni Sylvia.
