Maris Racal Rico Blanco Will Ashley SPEEd The Eddys

Maris Racal happy sa pagwawagi ni Rico sa The 9th Eddys

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

MASAYA si Maris Racal sa pagkapanalo ni Rico Blanco sa katatapos na The 9th EDDYSng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na ginanal noong Linggo, July 5, sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts, Pasay City.

Itinanghal na Best Actress sa ika-9 edisyon ng The EDDYS para sa pelikulang Sunshine si Maris habang Best Supporting Actor naman si Rico para sa pelikulang Manila’s Finest na ka-tie si Will Ashley para sa pelikulang Bar Boys: After School.

Ani Maris nang makorner ng mga media matapos tumanggap ng award, masaya siya sa tagumpay ng dating karelasyon.

I’m very happy for him. Nakatutuwa dahil matagal na niyang gustong umarte. 

“And now he has an award for it. I am genuinely happy for him,” ani Maris.

Tulad ni Maris sobra-sobra ang kaligayahan ni Rico nang magwaging Best Actor. Katunayan, emosyonal ito nang tanggapin ang tropeo dahil ito ang unang pagkakataon na nagwagi siya ng acting award.

It’s my first time to be nominated in the film industry. So this means a lot to me. Bago lang po ako rito and yet…ma-nominate pa lang masaya na ako, tapos nanalo pa po. Maraming salamat po!” bahagi ng acceptance speech ni Rico.

Ibinuking din ni Maris na talagang nais ni Rico na karirin ang pag-aartista.

Samantala, ikinagulat naman ni Maris nang tanghalin siyang Best Actress para sa performance niya sa pelikulang Sunshine. Hindi rin naman kasi matatawaran ang galing ng mga katunggali niya sa nasabing kategorya.

Katunggali niya rito sina Mylene Dizon, Angelica Panganiban, Kristel Go, at Ms. Charo Santos-Concio na ibinahagi rin niya sa mga ito ang pagkapanalo.

Sinabi ni Maris sa kanyang speech, “Sunshine is a girl who had so much promise, who had big, big, dreams, who had such a bright future ahead of her, pero nadapa, nagkamali. 

“This feels so familiar to me and I know the feeling of losing everything. Matatanong mo sa sarili mo if ititigil mo na lang ba. Burado na ba sarili mo pero hindi. 

“Sa istorya, ni Sunshine pinili niyang mabuhay para sa mga pangarap niya. This award is for all the Sunshine in this world. Sa lahat ng mga kababaihan, sa karapatan natin piliin ang sarili natin. Sa lahat ng nadapa, bangon lang,” aniya.