Will Ashley

Will Ashley milya-milya na layo sa mga kasabay

MATABIL
ni John Fontanilla

MALAYONG-MALAYO na ang naabot ni Will Ashley kompara sa mga kapanabayan kung career ang pag-uusapan.

Bukod kasi sa sunod-sunod na proyekto na ginagawa nito, mapa-telebisyon o pelikula ay sandamakmak din ang tv commercial at  print ads nito.

Dagdag pa riyan ang mga award na natatanggap nito bilang pagkilala sa husay bilang actor.

Unang napanalunan nito ang New Movie Actor of the Year sa 41st PMPC Star Awards for Movies para sa mahusay nitong pagganap sa pelikulang Balota.

At sa katatapos na The 9th Eddys ay nasungkit naman ni Will ang Best Supporting Actor para sa napakahusay na pagganap sa pelikulang Bar Boys 2.

Part nga ng speech ni Will bilang pasasalamat sa award na napanalunan, “Gusto ko lang pong pasalamatan lahat po ng bumubuo ng Eddys, maraming salamat po sa parangal na ito.

“At maraming salamat din po sa lahat ng bumbuo ng ‘Bar Boys: After Schoo.’ Siyempre  kay Direk Kip, sa 901 Studios, kay Direk Carlo, Direk Zig maraming, maraming salamat.

“Sa lahat ng co-actors ko, thank you so much, and of course to my fellow nominees congratulations din po sa inyo.

At doon po sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta rin sa akin, and to my GMA family thank you so much po, mabuhay po ang pelikulang Pilipino.

May post din si Will sa kanyang Facebook:

For BarBoys, for everyone who believed, thank you! 🙏🏻 “.

At sa pagwawagi ni Will, maituturing na isa siya sa pinakamahusay na actor ng kanyang panahon.