Vhon Rendon Joshua Garcia Will Ashley Kathryn Bernardo Caprice Cayetano

Vhon Rendon gustong makatrabaho sina Kathryn, Joshua, Will, at Caprice

MATABIL
ni John Fontanilla

MULA sa pagiging modelo at pagsali sa mga mga male pageant ay pinasok na rin ng 2026 Mr Teen Philippines Quezon City na si Vhon Rendon ang pag-aartista.

Bata pa si Vhon ay pangarap na nitong mag-artista at ginagaya niya ang mga paborito niyang artista na pinapanood.

Idolo nito sina Joshua Garcia, Will Ashley, Kathryn Bernardo, at Caprice Cayetano.

Kuwento nga ni Vhon, “idol na idol ko po talaga si Joshua Garcia ever since bata pa po ako, ang galing niya po sa drama. The way kung paano siya magbitaw ng lines, grabe ‘yung impact sa audience, talagang madadala ka.

Same po kay Will Ashley even simple words or lines na binibitawan niya sa mga pelikula o teleseryeng ginagawa niya can make a big impact po, napakahusay po talaga.

“Sa Babae naman po si ate Kathryn Bernardo, siya po talaga ‘yung number one idol ko among female artists.

“Lagi po akong nakasubaybay sa mga movie and tv series niya and ang galing niya po mag-adopt ng character on her own.

Idol ko rin po si Caprice, siya naman po magaling din po siya sa drama and in character po talaga kapag nag-act.

“And isa po siya sa mga young artist na masasabi kong magaling.”

Katulad ng kanyang mga idolong artista ay mas gusto rin niyang makagawa ng drama film o tv series at makatrabaho sina Kathryn, Joshua, Will, at Caprice.

Mas gusto ko pong makilala sa drama at romantic film or tv series, just like them.

“Pangarap ko rin po na maka-work ko po sila soon. Isa po ‘yun sa magiging katuparan ng aking pangarap.”

Dagdag pa nito, “I admire all of them po, not only na magaling silang lahat umarte, but also having a good personalities that really gives an inspiration to me and to other people.”

Sa ngayon ay busy si Vhon sa pagsasabay ng kanyang acting, dancing, at singing skills para sa mga future project na gagawin niya.