Kitkat, Sanya, Kakai, at Glyel, sumabak sa shopping galore sa AK Closet ni Ms. Rhea Tan
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
LAST WEEK ay humarap sa media ang ilan sa Beautederm endorsers na sina Sanya Lopez, Kitkat, Glydel Mercado, at Kakai Bautista. Ito’y bilang suporta kina Bulacan Vice Governor Alex Castro at ng Sexbomb member na si Sunshine Garcia.
Dito’y inianunsiyo ng Beautederm CEO and founder na si Rhea Anicoche Tan ang sariling perfumes na nakapangalan sa couple, ang Alex at Sunshine scents ng Beautederm Parfums. Pati na ang pagkakaroon nila ng sariling billboard sa NLEX, para sa naturang perfumes.
After ng event, ang mga nasabing celebrity, kasama ang mga member ng entertainment press ay sumabak sa shopping galore sa AK Closet, na bagong business ni Ms. Rhea. Ito’y nasa 4th floor ng Beautederm Headquarters na located sa Lot 2, Block 19, corner San Jose St., McArthur Highway, Sto. Domingo, Angeles City, Pampanga.
Si DJ JhaiHo na nagsilbing host ng event ay naki-shopping din.
Ang mga item na mabibili rito ay mga imported at branded sa napakamurang halaga, kaya naman dinarayo talaga ng mga mamimili ang AK Closet.
Napakaraming items ang pagpipilian at kung sinusuwerte ang shoppers, makatitiyempo pa sila ng mga sikat na celebrity na kasabay na nagsa-shopping. Like nang nandoon kami, biglang may tumili dahil nakita niya si Sanya Lopez, kaya nagpa-picture na rin siya at ang kanyang mga kasama sa magandang aktres.
Actually, sa FB page ng AK Closet ay makikita ang iba’t ibang celebrities na namimili rito. Like ang mag-asawang EA Guzman at Shaira Diaz, Miguel Tanfelix, Ogie Diaz, Josh Ford, Jelai Andres, at iba pa.
Anyway, ang ilan sa brands na nakita namin dito ay ang Zara, Uniqlo, H&M, Levis, Balmain, Ralph Lauren Polo, Gap, Christian Dior, YSL, Burberry, Chanel, Gucci, Fendi, at marami pang iba.
Ang ilan sa items na mabibili rito ay magaganda at murang-murang jackets, hoodies, coats, sweaters, T-shirts, polo, blouse, pants, shorts, blazers, skirts, gowns, at marami pang iba. Imagine, mayroon items na less than P300 lang ang prices, like ng mga blouse, etcetera. Kaya gaganahan ka talagang mamili rito.
Anyway, ito ang makikita sa FB post ni Ms. Rei Anicoche Tan:
“My love for fashion inspired me to open my very first thrift designer and branded clothing shop in Angeles City! AK Closet.
“Discover stylish, authentic pieces at budget-friendly prices, with a wide selection to choose from. Happy shopping Oops! For those asking if I’m wearing hair extensions… nope! That’s my real hair bibi!
“I’ve always loved taking care of my hair, and one of my daily essentials is Stemcell Juice by Belle Dolls with hydrolyzed marine collagen, grapeseed stemcell and biotin. Healthy, long hair is definitely worth the consistency, swear! You will thank me later!
Sa aming short interview kay Ms. Rhea, sinabi niya kung bakit naisipang maglagay ng AK Closet.
Aniya, “Kasi mahilig ako sa damit at saka nag-umpisa ito noong mga gamit ko mismo ibinebenta ko po online. Sabi ng mga (social media) followers ko, suwerte raw kapag binili sa akin. Hanggang sa lumaki na (siya) nang lumaki.
“Tapos kapag nag-a-abroad ako, bumibili na rin po ako ng mga paninda. So basically, hindi po siya ukay-ukay. Talagang mga branded po sila, iyong mga overshopped iyong iba. Iyong mga damit na ayaw ng mga anak ko, mga balikbayan boxes na binibili ko.”
Nakagawian na ni Ms. Rhea ang magbenta ng kanyang mga authentic at mamahaling bags at iba pang items para itulong bilang ayuda sa mga nasalanta ng bagyo, pati na noong pandemic.
Ang latest dito ay ang “Biyaheng Kalinga” na tinulungan niya ang mga delivery rider at mga tricycle driver dahil sa oil crisis. Ang ginawa ni Ms. Rhea ay nag-live selling sila na tinawag na “Love in Every Bid: A Cause from the Heart.”
Ang Beautederm Headquarters ay isa sa sumasalamin sa pagiging matagumpay na negosyante ni Ms Rhea. Ito ay isang 7-storey building at dito matatagpuan ang mga negosyo ng mahusay na businesswoman.
Dahil nasa Beautederm Headquarters ang AK Closet, after mag-shopping dito ay swak na swak mag-relax at magpaganda sa BeautéHaus at kumain sa Beauté Beanery.
Ang BeautéHaus ay kilalang skin clinic na nagpro-provide ng beauty services at treatments.
Nakapaglalaway naman sa sarap ang mga pagkain at inumin sa Beauté Beanery at favorite ng marami riyan ang bagnet, at iba pa.
Nandito rin ang sosyal na A-List Avenue, isang boutique na naglalaman ng mga authentic at high-end designer pieces. Matatagpuan dito ang mga limited-edition na Hermes Birkin at Kelly bags, gayondin ang iba pang prestihiyosong brand gaya ng Louis Vuitton, Chanel, Gucci, at iba pa.
