Friday , June 5 2026
Victor Relosa Aliya Raymundo Chester Grecia Christopher Novabos

Victor Relosa iginiit ‘di nakikipag-kompetensiya sa titulong VMX King  

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NILINAW ni Victor Relosa na hindi siya nakikpag-kompetensiya para sa titulong VMX King.

Pinagsasabong sina Victor at Benz Sangalang para sa titulong VMX King.  

Unang ikinabit ang titulong VMX King kay Sean de Guzman na maraming nagawang pelikula sa Vivamax pagkaraan ay iniugnay naman ang titulong ito kay Benz na aktibong gumagawa noong 2025 na nagbida sa Boy Kaldag. Pagkaraan ay kay Victor naman ikinabit ang titulo nang magbida sa Litsoneras.

Sa media conference ng pelikulang Check In na isa sa bida si Victor kasama sina Aliya Raymundo, Anya Austria, at Chester Grecia, binigyang linaw niya ang usapin ukol sa VMX King.

Kahit noong umpisa pa lang, bago pa lang ako, never naman akong nakikipag-compete para sa title na VMX King.

“Hanggang ngayon naman wala akong paki-alam sa title,” giit ni Victor.

Siguro nagkaroon lang ng ibang issue roon about attitude towards work kaya ako nakapagsalita. Pero it’s not about the title,” susog pa ng aktor.

Sinabi pa ni Victor na hindi siya apektado sakaling kay Benz mapunta ang titulo.

Lumabas kasi ang balita noon na ayaw daw makatrabaho ni Victor si Benz.

Hindi ko maintindihan kung bakit iyon ang i-assume ng mga tao noong magkaroon kami ng presscon. Never naman about doon iyong sinabi ko. Ang tama po eh hindi na kami nakapag-usap after ng presscon.

Nagsabi rin ako na hindi ako papayag na magkasama. Nagkaroon ako ng offer na gagawa ng pelikula na dalawa kaming bida pero nag-decline po ako,” paliwanag pa ng aktor.

At ang rivalry nila ni Benz, sabi pa ni Victor ay professional at hindi personal.

Opo, actually towards work po,” nangingiting tugon pa ni Victor.

Nang uriratin siya kung sino ang may attitude, ang sagot ni Victor, “Since matagal na po iyon, kalimutan na lang po, wala na rin naman po…

At hindi na rin naman po siya gumagawa ngayon (pelikula), wala siyang movie recently,” tugon pa ni Victor.

At dahil wala na ngang pelikula si Benz at hindi na ito gumagawa, maaaring sabihing siya na nga ang VMX King?

Hindi po ako ang magke-claim, at magsasabi ng kahit na anong title,” nakangiting tugon ni Victor. “Pero if you feel na sa akin siya (VMX King), sige po, okey po, pero hindi ko siya iki-claim para sa sarili ko,” giit pa ni Victor. 

Isang mapanuksong drama ang binubuksan ng VMX sa pinakabago nilang erotikong drama, ang Check In na idinirehe ni Christopher Novabos na palabas na ngayon sa streaming platform ng VMX.

Ang Check In ay ukol sa dalawang young women  na nagtatrabaho ng graveyard shift bilang front desk, na mahabang oras at quiet routines ang nagbibigay sa kanila ng curiosity. Napunta ang kanilang atensyon sa isang misteryoso, guwapong guest na regular na nagche-check-in. Magalang at maingat ang misteryosong bisita ngunit iba’t ibang babae ang kasama. Nagsimula sa isang harmless speculation hangang sa lumalim nang lumalim ang curiosity.

Ang pelikula ay nagpapakita ng commitment ng VMX sa matapang, pang-adult na kuwento na sumasalamin sa modernong relasyon at ang pagiging komplikado ng pagnanasa sa kapwa to.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …