Friday , June 5 2026
Marco Gumabao Andrew Muhlach Denise Esteban

Marco Gumabao balik-VMX, first time gagawa ng action movie

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

BALIK Vivamax (VMX) si Marco Gumabao sa pamamagitan ng action movie, ang  Pasakalye.

First time gumawa ng full action ni Marco na pinamahalaan ni Roman Perez Jr., na tampok din sina Andrew Muhlach, Denise Esteban, at Jeric Raval.  

Bagamat sa VMX ipalalabas, nilinaw ni Marco na walang sexy scenes silang ginawa sa pelikula.

Sadly wala kaming sexy scenes dito,” natatawang sabi ni Marco.

Lahat ng every character na pino-portray ng isang artista, ib-iba naman talaga ang pagbuo ng character. Kami talaga ni Andoy (Andrew) pinag-usapan namin, nag-brainstorming kami dahil para kaming magkapatid kami rito, tropa, bestfriend.

“Kasama sa proseso o paghahanda eh ang bonding,” sabi pa ni Marco.

Pinaghandaan ko talaga itong Pasakalye kasi nong i-offer ito sa akin, ginagawa ko rin iyong Totoy Bato na action din.  Nakakapag-suggest pa ako kina direk Roman kasi medyo komedyante ako rito. Tapos medyo nagpa-itim ako rito ‘yung buhok ko may kulay.

Nag-workshop pa kami nina Marco at Denise rito at talagang pinaghandaan namin ito talaga,” sabi naman ni Andrew.

First time ring gumawa ni Denise ng action movie.

First time ko ring gumawa ng ganitong ka-action. Masaya naman lalo na iyong mga ginawa naming stunts, ‘yung mga pinanggalingang action at kung paano nagagawa, nakatutuwa,” wika naman ni Denise.

Isang action-packed thriller ang Pasakalye na pinasok ang underworld para maipakita ang iba’t ibang klase ng krimeng nagaganap sa Pasakalye.

Ang Pasakalye ay isang sindikato ng droga na legit na tumatakbo sa komunidad dahil sa pagpapalabas na isa iyong sangtwaryo ng mga walang mapuntahang indibidwal. Pinatatakbo iyon ng dalawang magkaibigan nang magkasakit ang lider. Nagkaroon ng pagnanasang angkinin ng isa ang sindikato hanggang sa dumating ang anak na babae na siyang bagong magpapatakbo at magiging lider.

Tumaas ang tensiyon sa pagdating ng bagong lider na inalmahan ng isa sa ‘magkapatid.’

Tampok sa Pasakalye ang isang powerhouse ensemble cast na pinamumunuan ni Marco bilang si Gerardo, ang burdened enforcer struggling to maintain order habang pinoprotektahan ang kapatid mula na si Andrew (Johnjohn), ang impulsive risk-taker na ang pagkauhaw sa kapangyarihan ang magpapahamak. Si Denise si Ishi na naniniwalang ang maskara ng reporma ay nagtatago ng isang nakapanghihinayang na talento habang ang maalamat na si Jeric ay nakaangkla sa kuwento bilang ang kumukupas na patriyarka.

Maghanda para sa isang kuwento kung saan ang ikot ng karahasan ay walang humpay gaya ng pagpupursige para mabuhay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …