MATABIL
ni John Fontanilla
LABIS-LABIS ang kasiyahan ni Katrina Halili sa sorpresang natangap galing sa singer na si Kris Lawrence.
Sa katatapos na Mother’s Day ay sinorpresa ni Kris si Katrina ng boquet of flowers at isang luxury jewelry piece.
Sa Facebook Reel ni Katrina ay una niyang ipinost ang bouquet of flowers na ibinigay sa kanya ni Kris. Ilang minuto ang nakalipas ay nagulat at natuwa naman ito nang ibigay sa kanya ni Kris ang isang paper bag mula sa isang luxury brand.
Ang akala raw ni Katrina ay pabango ang regalo ni Kris, pero kalaunan ay nakita niya na bracelet na tinulungan siyang isuot ng singer.
Caption ni Katrina sa FB, “Ngayon Mother’s Day, nag-level up ang gift ni Mr. B.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com