MATABIL
ni John Fontanilla
SUNDAN ang yapak nina Daniel Padilla at Joshua Garcia ang gustong sundan ng model and newbie actor na alaga ng kaibigang Jann Vicente na si Fritz Charles.
Paborito kasi ni Fritz sina Daniel at Joshua at ang mga ito ang inspirasyon niya kaya pumasok sa showbiz.
Ayon kay Fritz, “I want to be an actor kasi matagal ko na po siyang pangarap at ina- idolize ko po si Daniel Padilla sa husay nito at napaka-natural umarte.
” Gusto ko rin po ‘yung pagiging astig niyang tingnan.
“Nagustuhan ko naman si Joshua Garcia dahil napakagaling magdrama, ‘yung tipong kapag nagdadrama na siya madadala ka at mapapaiyaka ka. Ang husay po talaga.
“Gusto ko po maging katulad nila na napakahusay umarte, at kahit anong role ang ibigay sa kanila nagagampanan nila ng tama. I want to adapt din po ‘yon and talagang na-inspire po ako sa kanila, sana maka-work ko sila.
“When I was a kid, lagi ko po silang pinanonood at sinusubaybayan ang kanilang mga palabas.”
Habang sina Xyriel Manabat at Kathryn Bernardo naman ang paborito niyang aktres at wish din niyang makatrabaho.
“Thankful din ako sa suporta sa akin ng family ko, kaya naman gagawin ko rin po ang best ko para para sa family ko at para po maging proud po sila sa akin.”
Sa ngayon ay nagwo-workshop si Fritz sa acting para mas maging mahusay at magkaroon ng maraming proyekto.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com