RATED R
ni Rommel Gonzales
INAMIN ni Ai Ai delas Alas na may punto sa buhay niya na muntik na niyang talikuran ang showbiz.
“Oo, mayroon!
“Kasi ‘di ba pumunta kami ni third husband [Gerald Sibayan] sa Amerika? So iyon ‘yung time na, ‘Ah! Dito na lang ako, Amerika. Alagaan ko ‘yung asawa ko.’
“Napigil lang ako niyong friend ko. Sabi niya, ‘Hindi, hindi mo gugustuhing iwan ang showbiz. Kilala kita, babalik at babalik ka riyan.’
“Totoo! Ayoko ng ibang work. Gusto ko artista lang ako for life hanggang mawala ako,” saad ni Ai Ai kay Toni Gonzaga sa Toni Talks.
Inilahad din ni Ai Ai kung ano ang pinaka-hindi niya nagustuhan sa industriya ng showbiz.
“Siguro ‘yung politika.
“Parang kunwari, si ganito powerful tapos parang nainggit siya sa iyo, tatanggalin ka na, mawawalan ka na ng show.”
Nang tanungin naman si Ai Ai kung ano ang biggest challenge niya sa industriya?
“Siyempre noong nag-start ako.
“Struggling ako na… ang talagang goal ko lang naman is mabuhay ko ‘yung pamilya ko, ‘yung nanay ko, magkaroon ako ng work.
“Tapos noong nasa showbiz na ako, siyempre, hindi ko naman binalak na talagang maging bida.
“Nakatutuwa kasi parang pelikula rin na wala kasi akong kotse so, sasakay ako sa tricycle.
“Mauuna kang pupunta, kasabay mo ‘yung kable.
“Huli ka ring aalis after niyong shoot kasi kasabay ka niyong kable. Sasabay ka sa service.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com