RATED R
ni Rommel Gonzales
WALANG paglagyan ang excitement ni Barbie Forteza dahil sa unang pagkakataon ay makakatrabaho niya si Sharon Cuneta.
Ang upcoming series na Honor Thy Mother ang pagsasamahan ng GMA Princess at ng nag-iisang Megastar.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Barbie, ibinahagi ng Sparkle GMA Artist Center actress ang kanyang impresyon sa Megastar.
“Honestly, we haven’t started taping yet pero kahit dalawang beses pa lang kaming nagkasama ng matagal, naramdaman ko na agad ‘yung warmth niya bilang isang tao.
“Napakalaking bagay niyon considering na siya ang ating Megastar.
“Napakahalaga sa akin ‘yung fact na taong-tao siya sa lahat, mula sa pinakamababang posisyon hanggang sa pinakamataas.
“Taong-tao ang ating Megastar,” bulalas ni Barbie.
Isa sa mga inspirasyon niya bilang artista si Sharon. “I’m very proud kasi sabi nila ‘di ba, never meet your heroes kasi a lot of times you’ll be very disappointed pero ako, she just keeps proving that I’ve made the right decision to be here, to join showbiz because of her.
“I can’t wait to learn from her!”
Ang Honor Thy Mother ay ang bagong collab series ng GMA at ABS-CBN kasama ang Prime Video.
Makakasama rin nina Barbie at Sharon sa serye ang mga aktor na sina Tonton Gutierrez, Khalil Ramos, John Estrada, Mercedes Cabral, at RK Bagatsing.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com