RATED R
ni Rommel Gonzales
MARAMI ang curious kung sino ang mystery guy na boyfriend ni Sanya Lopez.
Good catch kumbaga si Sanya dahil maganda, seksi, at isa sa prime actresses ng GMA at Sparkle GMA Artist Center kaya masuwerte ang non-showbiz guy na nagpapatibok ng puso ng aktres.
Inamin naman ni Sanya na maligaya siya ngayon sa guesting niya sa recent episode ng vlog na Your Honor, tinanong ng host na si Chariz Solomon si Sanya kung gaano siya ka-in love ngayon sa scale ng 1 to 10.
“Baka masyadong perfect kapag 10 eh, so 9 muna. 9.9 percent,” sagot ni Sanya.
Ikinuwento rin ni Sanya na binigyan siya ng boyfriend niya ng isang diamond ring.
“Nasa coffee shop kami niyon eh, parang sa sasakyan naka-park na lang kasi mahilig siya ng drive-thru talaga sa favorite niyang coffee shop.
“Marami pa kong daldal kasi ang dami kong kuwento noong time na ‘yun, na parang kung anong nangyayari sa life ko.”
Hanggang sa nagulat na lamang si Sanya nang iabot sa kanya ng lalaki ang singsing.
“Hindi siya biro, kasi ‘yung ibinigay niya kasi hindi basta-basta.”
Ibig sabihin mamahalin ang naturang singsing.
Exclusively dating sila ngayon at kapwa nagdesisyon na huwag ibahagi sa publiko ang lahat ng detalye sa kanilang relasyon.
“It’s a mutual decision.
“Napag-usapan na namin one time, what if makita na lalabas kami? Okay lang naman na makita kami ng iba.
“Pero ‘yung ipapakilala ko siya, hindi na.
“Mas gusto ko rin ‘yung tahimik, iba rin ‘yung life kapag walang sobrang nakikialam.”
Bumida si Sanya kamakailan sa Encantadia Chronicles: Sang’gre bilang si Danaya.
Bida si Sanya sa Midnight Girls kasama sina Jodi Sta. Maria, Loisa Andalio, at Jane Oineza na palabas ngayon sa mga sinehan.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com