MATABIL
ni John Fontanilla
HANDA na si Darren Espanto na ma in-love, pero hindi nagmamadali na magkaroon ng karelasyon.
Tsika nito, “I would never close doors to love.
“Pero ngayon, parang ‘di ko naman siya priority.
“It’s not like I’m looking to be in a relationship right away.”
Pero nangangarap si Darren na balang araw ay magkaroon siya ng sarili niyang pamilya, pero sa ngayon ay ang kanyang blooming career ang priority.
“I wanna have kids. I wanna have a wife and stuff like that, I just don’t know when.”
Ang gusto ni Darren na kahit wala na siya sa mundo ay maalala pa rin ng mga tao ang mabuti niyang ginawa.
“I’d like my work to speak for itself later on. Kahit wala na ako sa mundo.
“Gusto kong maalala pa rin ng mga tao sa mga mabuti kong nagawa, not just for my performances and my music, but also as a person,” pagtatapos ni Darren.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com