Friday , June 5 2026
Judy Rose Montilla Marian Rivera

Marian Rivera bet na bet ni Judy Rose Montilla

MATABIL
ni John Fontanilla

PROMISING ang baguhang 16 years old teen actress na si Judy Rose Montilla, na bukod sa maganda ay loaded with talents, from singing, dancing, acting and modelling.

Ang maging artista ang pangarap ni Judy Rose simula noong bata pa siya na ngayon ay kanyang isinasakatuparan.

“I want to be an actress po kasi dream ko po siya.

“Before po nanonood ako sa tv and na-inspire ako sa mahuhusay na artista na napapanood ko. Kaya sabi ko sa sarili ko na balang araw magiging artista rin ako.

“Also isa rin po sa goal ko is mapabuti ko po ‘yung future ko para sa sarili ko at para sa mama ko. Hindi po siya for fame and for money only, gusto ko po maka-inspire rin ng ibang kabataan na nangangarap mag-artista para makatulong sa pamilya.

“Gusto ko po maging isang mabuting halimbawa sa generation ko at sa mga darating pang generations na hindi masama mangarap, libre ang mangarap kaya try lang nang try hanggang makamit mo ‘yung pinapangarap mo sa buhay, kahit ano pa ‘yan.”

Ibinahagi rin nito kung paano siya nakapasok sa showbiz.

“Nag-message po kay tita Rodessa (manager niya), nakita ko po kasi ‘yung post nila sa audition, kaya sabi ko bakit hindi ko i-try eh dream ko maging artista. 

“Kaya ayun po hindi na po ako nagdalawang isip na mag-audition at masuwerte naman at nakapasa.”

Ang Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang paborito nitong actress. 

“Fave actress ko po si Ms Marian. Bukod sa maganda ay magaling siyang umarte.

“Magaling din siyang kumanta, sumayaw, at mag-host napaka-versatile, kahit anong projects na ibigay sa kanya nagagawa niya ng maganda.

Ngayon ay naka-focus si Judy Rose sa worshop para maging kasing husay ni Marian.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …