Thursday , June 4 2026
Khai Flores

Khai Flores ‘di nagpatinag kina Ms Pilar, Janice, at Snooky

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NAPASABAK sa matinding aktingan ang baguhang aktor na si Khai Flores. At ito ay sa  pagbibidahang pelikula, ang psychological suspense thriller na Mantsa na idinirehe ni Louie Ignacio hatid ngDragon Entertainment Productions.

Masuwerte si Khai dahil pawang mga bigating artista ang kasama niya sa Mantsa tulad nina Pilar PilapilJanice at Gelli de Belen, at Snooky Serna.

Ayon sa manager niyang si Bambbi Fuentes, mahirap ng role ni Khai dahil kailangan nitong ipakita ang iba’t ibang emosyon. 

Hindi naman nabigo ang direktor nilang si direk Louie na ilabas at maipakita ang kinakailangang arte mula kay Khai. Hindi ito natinag kina Ms Pilar, Janice, Geli, at Snooky dahil nakipag-baragan siya ng arte. 

Ang Mantsa ay tumatalakay ukol sa mental health, intergenerational trauma, at ang komplikadong dynamis sa loob ng isang pamilya.

Nakasentro ang pelikula sa emosyonal na pag-igting tungkol sa isang matandang babae na naninirahan sa paghihiwalay at ang mga “mantsa” ng nakaraan na bumabagabag sa kanyang sambahayan.

Ang kuwento ay magsisimula kay Lola Pacita (Pilar Pilapil), isang matandang babae na nakatira sa isang liblib na isla kasama ang kanyang anak na babae. Ang kanyang buhay ay komplikado sa pamamagitan ng kanyang pakikipag-ugnayan sa kanyang mga apo at ang bigat ng mga lihim mula sa kanyang nakaraan.

Ang Mantsa ay sumisimbolo sa walang hanggang emosyonal na mga pilat at pinipigilang sakit na nananatiling hindi napigilan sa loob ng isang pamilya.

Kasama rin sa pelikula sina Shira TwegLloyd Samartino, at Dino Guevarra gayundin sina Bo BautistaLA Santos, Miles Poblete, Than Perez, Ghia Garcia, Mill Marzo, Rain Barretto, RJ Ariar.

Original na story ni Bambbi Fuentes, screenplay ni Krista Ann Taclan – Fuchs na kinikilala sa kanyang trabaho sa Virgin Labfest, isang festival ng one-act plays, at sa Senakulo, isang tradisyonal na Filipino religious passion play na ginaganap tuwing Semana Santa. Co-producer si Apeng Valenzuela, supervising and executive producers sina Bambbi at Tine Areola.

Unang napanood si Khai sa Kadenang Ginto, pagkatapos ay nakasama sa mga pelikulang Mga Kaibigan ni Mama Susan na pinagbidahan ni Joshua Garcia at Ang Huling Hibla na ginampanan niya ang isang batang pipi na nakasaksi ng masaker kasama si Jun Urbano.

Kasama rin siya sa Sugat sa Dugo na gumanap bilang isang biktima ng AIDS o Acquired Immunodeficiency Syndrome. Rito sa Sugat sa Dugo napansin ang husay ni Khai dahili itinanghal siyang New Male Actor of the Year sa 39th Star Awards.

Umaasa si Khai na mapapansin ang kanyang galing sa Mantsa dahil hindi biro ang role na ginampanan at hindi rin matatawaran ang galing ng mga kasama sa pelikula.   

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …