Saturday , June 20 2026
Ricci Rivero Juliana Gomez

Juliana at Ricci sweet na sweet, netizens ‘di boto

MA at PA
ni Rommel Placente

KUNG marami ang natutuwa at kinikilig sa mga sweet photo at video ng rumored couple na sina Ricci Rivero at Juliana Gomez sa social media, may mga nangnenega at nambebengga rin sa kanilang relasyon.

Nakikita namin ang sweetness nina Ricci at Juliana, base sa mga ina-upload na litrato ng mga netizen na kuha sa iba’t ibang pagkakataong naiispatan sila in public places.

Ang latest nga ay nang manood si Juliana ng PBA games na naglaban ang Phoenix Super LPG (na kabilang si Ricci) at Converge.

Sa napanood naming video, naispatan si Ricci na lumapit kay Juliana sa audience area after ng game. Sinenyasan niya ang anak nina Richard Gomez at Lucy Torres na magbibihis lang siya.

After niyon ay bumalik si Ricci at sinundo si Juliana mula sa kinauupuan nito. 

Makikitang hinalikan ni Ricci sa noo si Juliana, sabay pinisil sa kamay ang dalaga.

Ilang beses hinalikan ng cager sa noo si Juliana bago sila tuluyang umalis.

Samantala, tila hindi naman boto ang ilang netizens kay Ricci para kay Juliana dahil baka matulad lang daw ito sa ex ng cager na si Andrea Brillantes.

Feeling nila hindi raw bagay si Ricci kay Juliana at may lalaking mas higit pa sa basketball player na deserving na maging dyowa ng dalaga nina Goma at Lucy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Cecille Bravo

Philanthropist Cecille Bravo pinarangalan bilang Outstanding Mother

MATABILni John Fontanilla ISA sanpinarangalan sa Top 20 Outstanding and Exceptional Mothers for Mother of the …

Sanya Lopez Car

Mamahaling kotse regalo ni Sanya sa sarili

MATABILni John Fontanilla ISANG mamahaling sasakyan ang regalo ni Sanya Lopez sa kanyang sarili para sa 27th …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

Sold Out! Tiket sa Puregold OPM Con Generations 2026

OPISYAL na: Sold outang Puregold OPM Con Generations 2026! Sa dami ng mga tagasuportang nag-agawan para …

Ryzza Mae Dizon Bimby Aquino

Ryzza Mae at Bimby swak na loveteam, Dabarkads kinilig, nagkagulo

MATABILni John Fontanilla MARAMI ang kinilig sa muling pagkikita ng magkaibigan, magkalaro, at nagkasama sa …

Louie Ignacio Pura Luka Vega

Direk Louie ‘di nagustuhan ginawa ni Pura Vega

MATABILni John Fontanilla HINDI naibigan ni direk Louie Ignacio ang bagong pakulo ng Drag Artist na si  Pura …