MA at PA
ni Rommel Placente
MASASABI ni Joshua Garcia na kilalang-kilala na niya si Ivana Alawi mula nang makatrabaho ito sa seryeng pinagbibidahan nila, ang Love Is Never Gone.
Sabi ni Joshua, “I mean, sobrang comportable na ako sa kanya.
“Ang bilis na naming gawin ‘yung mga scene together.
“Noong nagsisimula kami, kailangan pa namin ng mahabang discussions.
“Siyempre, naninibago pa kami sa isa’t isa.Pero ngayon, we’re friends,” paliwanag ni Joshua.
Habang nagsasalita si Joshua, ay iniirapan siya ni Ivana, na nasa tabi niya.
“Ganoon talaga ‘yan, pairap-irap. Pero mahal kami niyan,” reaksiyon ni Joshua sa pang-iirap sa kanya ni Ivana.
Samantala, nang tanungin si Ivana kung anong na-discover niyang interesting characteristics ni Joshua, ang sagot niya, “Alam naman natin na mahusay na aktor si Joshua. But behind that, behind his pagpo-portray niya ng mga character, napakabait niya.
“Very very generous. Very protective. He is a friend to everyone.And he treats everyone with respect,” papuri pa ni Ivana sa leading man niya sa Love Is Never Gone, na mapapanood sa Prime Video simula May 8.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com