Ivana Alawi Joshua Garcia

Ivana sa halik ni Joshua: ang laki ng bibig niya, grabe sumipsip

MA at PA
ni Rommel Placente

FOR the first time ay nagtambal sa bagong serye ng Prime Video sina Joshua Garcia at Ivana Alawivia Love Is Never Gone. Sa serye ay may kissing scene sila.

Sa naganap na mediacon para sa Love Is Never Gone, tinanong ang dalawa, kung paano nila iri-rate from 1-10 ang kiss ng isa’t isa.

Ang sagot ni  Ivana ay 10. Paliwanag niya na natatawa, “Kasi ‘di ba, siya ‘yung grabe? Ako nakatingala lang, pero siya ang laki ng bibig niya.”

Pagkarinig sa sagot na ‘yun ni Ivana, ay natawa si Joshua.

Humarap naman si Ivana kay Joshua na natawa rin, sabay sabing, “Bakit, natatawa ka, totoo naman, eh. Grabe kang sumipsip. ‘Yung lipstick ko, nawawala. Ayun, okey  naman.’”

Ang rate naman ni Joshua sa kiss ni Ivana ay 9. Katwiran niya, kailangan pa raw kasi ni Ivana ng improvement.

Pagkarinig niyon, sumagot si Ivana. Sabi niya sa direktor nilang si Manny Palo,”’Di ba, direk, may isa  pa? (kissing scene ni Joshua sa serye).

“Okey, okey. Kasi hindi ko nabuksan ‘yung bibig ko ng ganoon. Na-gets ko na,” sabi pa.

Dahil ang title ng serye nila ay Love Is Never Gone, tinanong sila kung ano-ano ang mga bagay na pwedeng magpasuko sa kanila para  mawala ang love ng isang tao.

Ang sagot ni Ivana, ”Para sa akin,ang cheating, lying at hindi pagmamahal sa pamilya.”

Sumang-ayon naman si Joshua sa sagot ni Ivana. 

Huwag palampasin ang matitinding tagpo sa ngalan ng pag-ibig sa Love  Is Never Gone na eksklusibong mapapanood sa Prime Video simula May 8.

Bukod kin Joshua at Ivana, kasama rin sa cast sina Jameson Blake, Jane Oineza,Dina Bonnevie,Michael de Mesa,Epy Quizon, Fyang Smith, at JM Ibarra. Mula ito sa direksyon ninaManny Palo at Jojo Saguin.