Thursday , June 4 2026
Caprice Cayetano kmjs fan

Caprice sinorpresa fans na taga-Leyte

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAY ginintuang puso ang Sparkle female star na si Caprice Cayetano.

May tagahanga kasi si Caprice na nagngangalang Cindy Entira, 18, na taga-Leyte, may kondisyon na severe dextroscoliosis.

Ang kondisyong ito ay nagiging sanhi para maging mahaba ang kanyang mga binti at braso, at dumaranas ng matinding pagsakit ng likod.

Ngunit kahit may ganitong kondisyon ay tulad din si Cindy ng ibang kabataan. Libangan ni Cindy ang pagsasayaw at pakikinig ng music.

Lahad niya, “Kapag nakaririnig ako ng music, nawawala ‘yung mga problema ko, ‘yung pinagdaraanan ko po.”

Idolo ni Cindy sa pagsasayaw ang Kapuso teen star at Big Winner ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0 na si Caprice.

Nakikita ko po kasi siya sa ‘PBB,’ na mabait, palatawa, mahilig sumayaw, matatag. Kinikilig po ako kapag kasama po ni Caprice si Heath (Jornales).”

At sa pamamagitan ng Kapuso Mo, Jessica Soho, mula sa Leyte ay sinamahan ng KMJS team si Cindy na bumyahe patungong Quezon City upang ipa-checkup ang kanyang kondisyon.

Ganoon na lamang ang tuwa at gulat ni Cindy na makakaharap pala niya si Caprice sa personal.

Bakas sa mukha ng dalawa ang labis na tuwa at pagiging emosyonal sa kanilang paghaharap.

Nakatutuwa pa na may regalo si Caprice para kay Cindy, na nagbigay naman sa aktres ng ginawa nitong bracelet.

Masaya po ako na pumayag kayo na makita kita. 

“Salamat din po sa gift. Hindi ko po ito malilimutan, lahat ng nangyari rito ngayon. Kahit ikaw din, hindi kita malilimutan. 

“Habambuhay ko po itong dadalhin,” ani Cindy kay Caprice.

Na sinagot naman ng Sparkle artist ng, “Gusto ko rin mag-thank you sa iyo, Cindy. At saka natutuwa ako at happy ako na nakita kita nang personal. 

“More TikToks to come. Always look at the bright side lang. Huwag susuko!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …